Huwebes, Oktubre 17, 2013

INC NASA DILIMAN, SO WHAT??


Dahil sa ang mga kumakalaban sa Iglesia Ni Cristo ay wala ng maipuntos pagdating sa aral na nakasulat sa biblia, dahil alam naman natin na hindi talaga uubra sa Iglesia Ni Cristo ang kahit sinong tagapangaral sa mundo kung tunay na aral ang paguusapan. Kaya sa ibang isyu na sila ngayon umaatake, ang nakakatawa ay ang atake nila na ang Iglesia daw ay nasa KADILIMAN or NADIDILIMAN.

Ang kanilang dahilan? Ang mismong Central daw ng Iglesia NI Cristo ay nasa DILIMAN Quezon City . Hindi ba nakakatawa ito? Komo diliman ang pangalan ng lugar na kinatatayuan ng Central ay nadidiliman na ang Iglesia Ni Cristo? Ayoko na sanang patulan ito pero dahil ayoko isipin nila na binabalewala ang isyung ito kaya sasagutin natin.

Sundan natin ang kanilang argumento.

Sabihin man natin halimbawa na nasa kadiliman ang DILIMAN batay sa pangalan ng lugar, hindi ba mas maganda nga na dito inilagay ang Central? Bakit?

Ganito ang nakasulat sa Mateo 5:14
            ”Kayo ang ILAW NG SANGLIBUTAN...“


Kaya ang tanong natin sa kanila ay ganito: Saan ba inilalagay ang ilaw? Sa maliwanag o sa madilim?

Hindi ba mas magandang ilagay ang ILAW SA DAKONG MADILIM para lalong makita ang liwanag nito?

Sa 2 Pedro 1:19 ay ganito ang mababasa:

“At kami ay may panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito’y inyong sinusundan, na gaya ng ILAWANG LUMILIWANAG SA ISANG DAKONG MADILIM…”

Kaya mas napaganda pa nga na sa DILIMAN inilagay ang Central dahil magniningning lalo ang liwanag nito.

Hanggang sa susunod...

Martes, Oktubre 15, 2013

Si Cristo Ba Ang Dios Na Binabanggit sa I Juan 5:20?



Sa tuwing kaming mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay makakausap ng kaanib ng ibang samahan ng pananampalataya, ang madalas na napaguusapan ay nauukol sa likas na kalagayan ng Panginoong Jesus. Sumasampalataya kasi kami na hindi Dios ang Panginoong Jesus kundi tao s kaniyang likas na kalagayan. Ang isa sa mga talata na ginagamit ng mga naniniwala sa pagka Dios ni Cristo ay ang nakasulat sa I Juan 5:20. Sapagkat ang nasabing talata daw ang matibay na nagpapatunay sa pagka Dios ng Panginoong Jesus.



Mas mabuti kung basahin muna natin ang nasabing talata.


“At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo’y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo’y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios at ang buhay na walang hanggan.”

Paano nila pinalilitaw sa talatang ito na Dios si Cristo?

Yung pangungasap daw na “Ito ang tunay na Dios” ay tumutukoy daw kay Cristo. Komo kasi malapit yung pangalan ni Cristo sa salitang “ito" ay agad silang nagbigay ng konklusyon na si Cristo ang tinutukoy ng salitang iyon.

Kaya sa pagkakataong ito ay muli natin patutunayan na mali ang kanilang pakahulugan sa nasabing talata. Ngunit paano natin nasisigurado na mali ang kanilang sinasabi?

Una, hindi binanggit sa talata na si Cristo ang tunay na Dios. Iyon ay konklusyon lang nila.

Pangalawa, kung mapapansin ninyo ay mayroong tuldok sa gitna ng pangalan ni Cristo at ng salitang “Ito”. Ibig sabihin hiwalay na pangungusap ang “Ito ang tunay na Dios”.

Pero kung ipipilit parin nila na si Cristo nga talaga ang tinutukoy sa pangungusap na iyon? Pagbibigyan natin sila, pero ano ang magiging implikasyon nito sa talata at ano ang magiging malaking problema nila?

Basahin natin ulit ang nasabing talata at sa pagkakataong ito ay lagyan natin kung kanino tumutukoy ang bawat pangungusap ayon sa kanilang pagkakaintindi:

 “At nalalaman natin na naparito ang Anak(Si Cristo) ng Dios(si Cristo parin, anak niya ang sarili niya), at tayo’y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya(Si Cristo parin) na totoo, at tayo’y nasa kaniya (Cristo parin) na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang (Si Cristong kumakaniya sa sarili niya) Anak na si Jesucristo (Jesucristo ang pangalan ng anak ni Cristo). Ito (Si Cristo) ang tunay na Dios (Si Cristo parin) at ang buhay na walang hanggan.”

Napakagulo di ba? Nahilo ba kayo? Kung ipipilit nila na si Cristo ang tunay na Dios sa nasabing talata,

Una, lumilitaw na meron palang anak si Cristo na naparito sa lupa dahil ang sabi sa talata, “NAPARITO ANG ANAK NG DIOS”. Ibig sabihin yung Dios na binabanggit sa talata ay may anak  Kaya mapipilitan silang ipakilala sa atin ngayon kung sino ang anak ni Cristo.

Pangalawa lalabas na anak ni Cristo ang sarili niya. Kaya talagang napakagulo at siguradong pati sila ay malilito.


Pero alam kong maiipit na naman sila sa talatang iyan kaya tatakbo na naman sila sa pinakapaborito nilang talata, ang Juan 10:30 na napatunayan din nating mali ang pagkaunawa nila.

Kung gayon, ano ba talaga ang totoong kahulugan ng nakasulat sa I Juan 5:20?

Ulitin natin ang nasabing talata at lagyan natin kung kanino ba talaga tumutukoy.

At nalalaman natin na naparito ang Anak(Si Cristo) ng Dios(Ang Ama), at tayo’y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya(Ang Ama) na totoo, at tayo’y nasa kaniya (Kay Cristo) na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang (Ang Ama) Anak(Si Cristo) na si Jesucristo. Ito (yung ipapakilala ni Cristo) ang tunay na Dios (Ang Ama) at ang buhay na walang hanggan(tatamuhin ng mga kumilala sa tunay na Dios).”

Ang dahilan ng pagparito ng Anak na si Jesucristo ay upang ipakilala niya ang tunay na Dios na walang iba kundi ang Ama at ang kaalamang iyon ay ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan. Iyon ang totoong kahulugan ng nakasulat sa I Juan 5:20.

Pero siguradong aalma sila dyan at sasabihin nila na sariling pakahulugan lang natin ang sinabi natin sa I Juan 5:20. Kaya patunayan natin.

Ano ang katunayan na iyan nga ang tamang kahulugan ng I Juan 5:20?

Ang sumulat ng I Juan 5:20 ay si Apostol Juan kaya sa sulat din niya natin kukunin ang tamang sagot.

Totoo bang ang isa sa gawain ni Cristo ay ipakilala ang tunay na Dios?
Basahin natin sa sulat ni Apostol Juan sa Juan 1:18?

"Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya."

Ang isa sa dahilan ng pagparito ni Cristo ay upang ipakilala ang tunay na Dios.

Nagawa ba ni Cristo ang kanyang tungkulin na ipakilala ang tunay na Dios?
Basahin natin ang sagot sa sulat din ni Apostol Juan sa Juan17:1,3

"Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang    mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:

At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.".


Si Cristo mismo ang nagsasalita sa talata at kausap niya ang Ama. Ang sabi niya Ito ang buhay na walang hanggan na ”Ikaw“ ay mkilala nila na iisang Dios na tunay. Hindi niya sinabing ”ako ang makilala nila na iisang Dios na tunay.“ Ang pagpapakilala ni Cristo sa sarili niya ay ”sinugo“ hindi siya ang tunay na Dios kundi ang ang Ama lang. Kaya malinaw na nagawa ni Cristo ang isa sa dahilan ng kaniyang pagparito.Naipakilala niya ang tunay na Dios at ito ay walang iba kundi ang Ama. Kung napansin ninyo ay halos magkamukha ang sulat ni Apostol Juan sa kaniyang sulat sa I Juan 5:20 at Juan 17:1,3

Sapagkat ipinakita lang sa sulat ni Apostol Juan kung paano natupad ni Cristo ang isa sa kaniyang misyon. Ang ipakilala ang tunay na Dios at ang buhay na walang hanggan. Kaya kayo ang magpasya, sino ang dapat ninyong paniwalaan? Si Apostol Juan mismo na sumulat ng I Juan 5:20 o yung mga taong nagbibigay ng maling kahulugan sa sinulat niya?

Kaya kapag binasa natin sa ibang salin ng Biblia halimbawa ay sa Contemporary English Version ang I Juan 5:20 ay ganito ang pagkakasalin:


"We know that Jesus Christ the Son of God has come and has shown us the true God. And because of Jesus, we now belong to the true God who gives eternal life.

Sa tagalog: Nalalaman natin na Si Jesucristo na anak ng Dios ay naparito at ipinakita sa atin ang tunay na Dios. At dahil kay Jesus, tayo ngayon ay nasa tunay na Dios na nagbibigay ng buhay na walang hanggan.

Samakatuwid napatunayan natin  na hindi si Cristo ang “tunay na Dios na tinutukoy sa talata kundi ang tunay na Dios na kaniyang ipinakilala, walang iba kundi ang Ama.

Kaya kung babalikan natin ang I Juan 5:20 ay malinaw na sa atin kung sino ang ”tunay na Dios“ na tinutukoy sa nasabing talata.

At nalalaman natin na naparito ang Anak(Si Cristo) ng Dios(Ang Ama), at tayo’y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya(Ang Ama) na totoo, at tayo’y nasa kaniya (Kay Cristo) na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang (Ang Ama) Anak(Si Cristo) na si Jesucristo. Ito (yung ipapakilala ni Cristo) ang tunay na Dios (Ang Ama) at ang buhay na walang hanggan(tatamuhin ng mga kumilala sa tunay na Dios)."


Hanggang sa susunod...

Lunes, Oktubre 7, 2013

Ang Tamang Kahulugan ng John 10:30



 Ang mga nagtataguyod ng aral na Diyos daw diumano ang Panginong Jesus ay gumagamit din ng mga talata ng biblia. Ang isa sa paborito nilang talata ay ang nakasulat sa John 10:30 na ganito ang mababasa

“Ako at ang Ama ay iisa.”

Matapos nilang basahin ang nasabing verse ay sinasabi nila ang ganito:

„Diba malinaw sa verse na yan na Diyos si Cristo dahil sabi niya, iisa sila ng Ama?


Kahit balik balikan natin ang nasabing verse ay hindi natin mababasa na sinabi ni Cristo na siya ay Diyos. Kung tatanggapin natin na tama ang kanilang sinasabi, lilitaw na si Cristo ang Ama at ang Ama ay si Cristo. Ganoon lilitaw yun. Ibig sabihin para sa kanila, ang salitang „iisa“  sa John 10:30 ay pagiging single person or entity.



Kaya tatalakayin natin sa pagkakataong ito kung ano ba talaga ang ibig sabihin ni Cristo sa kanyang sinabi sa John 10:30.


Bakit tayo nakakasigurado na mali ang kanilang unawa sa talata?

Kumuha tayo ng kamukhang talata sa Biblia:

Ganito ang mababasa sa 1 Corinto 3:8

Corinto 3:8  Ngayon ANG NAGTATANIM AT ANG NAGDIDILIG AY IISA: nguni't ang bawa't isa ay tatanggap ng kaniyang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal.”

Kung susundan natin ang kanilang argumento na komo binanggit ang salitang iisa ay nangangahulugang single body or entity na sila, lilitaw sa talata na yung nagtatanim pala ay siya din ang nagdidilig.

Kaya alamin natin sino ba ang binabanggit dyan sa talata na nagtatanim at nagdidilig?

Itataas lang natin ang basa sa verse 6

1 Corinto 3:6  Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig; nguni't ang Dios ang siyang nagpalago.”

Sa talatang ito ay nilinaw ni Apostol Pablo na siya ang nagtanim at si Apolos ang nagdilig. Kaya kung ipipilit nila na komo binanggit ang salitang iisa ay single body or entity na sila, ang tanong natin sa kanila ay ganito: Si Apostol Pablo ba ay si Apolos? Si Apolos ba ay si Apostol Pablo?

Malaking problema yan dahil kapag sinabi nilang oo, Naku lalong lilitaw na wala talaga silang alam sa biblia. Kapag sinabi naman nilang hindi, aba edi hindi din pala single entity Si Cristo at ang Ama.

Kung ganon, paano ba natin dapat unawain ang sinabi ni Cristo na siya at ang Ama ay iisa?

Sa Juan 17:11 ay ganito ang mababasa.

“At ngayon, ako’y papunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila. Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibingay mo sa akin, upang SILA’Y MAGING ISA, KUNG PAANONG TAYO’Y IISA.


Ang pagiging iisa ni Cristo at ng Ama ang gusto ni Cristo na mangyari o matularan ng mga alagad niya. Samakatuwid, kung tatanggapin natin ang kanilang sinasabi? Lilitaw na gusto pala ni Cristo na maging single entity ang lahat ng mga alagad niya kagaya ng pagiging single entity nila ng Ama. Lalong lalaki ang problema nila. Dahil lilitaw na ako siya, siya ako, ako sila, sila ako. Napakagulo diba?


Alamin natin. Ano ba ang ibig sabihin ni Cristo na iisa sila ng Ama na gusto niyang matularan o maging kagaya ng mga alagad niya?


Juan 17:22-23  “At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila;upang sila'y maging isana gaya naman natin na iisa; Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila'y malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.”

Kita nyo? Ayon sa talata, gusto ni Cristo na maging isa ang mga alagad niya gaya ng pagiging iisa nila ng Ama na ang tinutukoy ay ang LUBOS NA PAGKAKAISA. Kaya ang ibig sabihin ni Cristo na sila ng Ama ay iisa, ito ay nangangahulugang SILA AY NAGKAKAISA.


Ano ang katunayan?

Kapag binasa natin sa Lamsa Translation of the Bible ang John 10:30 ay ganito ang ating mababasa

John 10:30 Lamsa Version

I and my Father are of one accord."

Lalong lumitaw na mali ang kanilang paniniwala dahil sa salin na iyan ng Biblia ay “of one accord” ang ginamit ng nagsalin.

Ang kahulugan nito sa dictionary ay “agreeing with each other" or agreement.


Kaya kung Tatagalugin natin: “Ako at ang Ama ay NAGKAKAISA.”

Kaya napakalinaw na maling mali ang kanilang paliwanag sa John 10:30 kaya paano nila ngayon masasabi na sila ay may wisdom ni Lord kung simpleng talata lang ay nagkakamali pa sila ng unawa?


Bakit natin nasabi na tamang salin ng Biblia ang ginamit na “pagkakaisa” kaysa sa salitang “iisa” sa John 10:30Malamang ay aapila pa sila sa atin. Kaya patunayan natin.

Bago ang pangungusap ni Cristo sa John 10:30, ano ba ang binabanggit niya?

Hayaan nating si Cristo ang magpaliwanag sa atin, narito ang pahayag niya, basahin lang natin sa bandang itaas:

Juan 10:27  “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin:”
   
Juan 10:28  “At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.”

Juan 10:29  “Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama.”

Juan 10:30  “Ako at ang Ama ay iisa.”


Malinaw na hindi ang pagka-Diyos ang paksa na pinag-uusapan diyan kundi ang tungkol sa mga tupa ni Cristo, Kung paanong inaalagan ni Cristo ang mga tupa, gayon din ang pangagalaga na ginagawa ng Ama.


Pinakamaganda ay pagtabihin natin para mas lalong luminaw:

Kay Cristo:  “hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay

Sa Ama: “hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama”

Kaya pagdating ng John 10:30,

“ Ako at ang Ama ay nagkakaisa.”
(Lamsa Translation of the Bible, salin sa Pilipino)


Kaya napatunayan natin na Mali ang kanilang pakahulugan. Hindi nila magagamit na basehan ang John 10:30 para patunayan ang pagka Dios diumano ni Cristo.


Sana ay magsilbi itong liwanag tungo sa tunay na pagkaunawa.

Hanggang sa Susuno