Huwebes, Oktubre 3, 2013


BAKIT IGLESIA NI CRISTO KAMI? Part2

Natutunan natin sa unang bahagi na mayroong Iglesia ni Cristo na nagsimula noong unang siglo na itinayo ng Panginoong Jesus mismo. Ito ay nagsimulang ipalaganap sa mga Judio at umabot hanggang sa mga Gentil.

Nasaan na nga ba ang Iglesiang iyon at ano ang kinasapitan nila?
Bakit Iglesia Katolika ang relihiyong nakagisnan ng marami?

Talakayin natin

Bago pa man umakyat ang Panginoong Jesus sa Langit ay mayroon na siyang ibinabala sa mga alagad niya, ganito ang ating mababasa sa Mateo 24:4

"At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman."


Sino ang binabanggit ng Panginoong Jesus na magliligaw sa mga alagad at gaano karami ang maililigaw?

Sa Mat 24:11 ay ganito ang mababasa

“At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami."

Ayon sa ating binasa ay marami ang ililigaw ng mga bulaang propeta.

Kailan ba magsisimulang maganap ang sinabing ito ng Panginoong Jesus?

Ganito ang mababasa na sinabi ni Apostol Pablo sa Gawa 20:29 ng Magandang Balita Biblia

"Alam kong pagkaalis ko’y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad na sisilain ang kawan. Mula na rin sa inyo’y lilitaw ang mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mapasunod ang mga alagad. At sa gayo’y mailigaw sila.”

Ayon kay Apostol Pablo, magsisipasok ang mga ganid na lobo  o asong gubat na hindi magpapatawad sa kawan o Iglesia ni Cristo pag alis niya.

Aling pag-alis ang tinutukoy ni Apostol Pablo na magiging simula ng pagpasok ng mga ganid na lobo?
Sa Gawa 20:25 ay ganito ang mababasa:


        "At ngayon, narito, nalalaman ko na kayong lahat, na aking      nilibot na pinangaralan ng kaharian, ay hindi na ninyo
          muling makikita pa ang aking mukha
."

Ang pag-alis na tinutukoy ni Apostol Pablo ay ang pag-alis na hindi na muling makikita pa ang kanyang mukha.

Ano ang naging damdamin ng mga kapatid nang marinig nila ang sinabing ito ni Apostol Pablo?

Sa Gawa 20:37-38 ay ganito ang mababasa

 "At silang lahat ay nagsipanangis nang di kawasa, at nangagsiyakap sa leeg ni Pablo at siya'y hinagkan nila.
 "Na ikinahahapis ng lalo sa lahat ang salitang sinabi niya, na hindi na nila makikitang muli pa ang kaniyang mukha.
At kanilang inihatid siya sa kaniyang paglalakbay hanggang sa daong."

Nanangis ang mga kapatid nang marinig ang pangungusap ni Apostol Pablo ukol sa kaniyang pag-alis na hindi na muling makikita pa ang kaniyang mukha. Dahil ang pagalis na tinutukoy ni Apostol Pablo ay ang kanyang kamatayan gaya ng mababasa sa II Tim. 4:6

II Tim. 4:6

"Sapagka't ako'y iniaalay na, at ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na.


Samakatuwid, ang kamatayan ng mga apostol ang magiging simula ng pagpasok ng mga ganid na lobo na hindi magpapatawad sa kawan.

Bakit pagkamatay pa ng mga Apostol maisasagawa ng mga bulaang propeta ang pagtalikod sa mga alagad? Bakit hindi nila ito nagawa  noong nabubuhay pa ang mga Apostol?

Sa Galacia 2:4-5 ay ganito ang mababasa:

At yaon ay dahil sa mga hindi tunay na kapatid na ipinasok ng lihim, na nagsipasok ng lihim upang tiktikan ang aming kalayaan na taglay naming kay Cristo Jesus, upang kami’y ilagay sa pagkaalipin: Sa mga yaon ay hindi kami napahinuhod na supilin kami, kahit isang oras; upang ang katotohanan ng evangelio ay manatili sa inyo.”

Sa harap ng paninidigang ito ni Apostol Pablo ay hindi kataka taka na ang pagtalikod ay naganap sa panahong wala na sila. Sapagkat hindi papayagan ng mga apostol na pigilin  sila ng mga kaaway ng pananampalataya upang ang katotohanan ay manatili sa Iglesia.

Sino ang mga ganid na lobo o asong gubat na tinutukoy ni Apostol Pablo na hindi magpapatawad sa kawan o sa Iglesia pag alis nila?

Ganito ang itinuro ng Panginoong Jesus sa Mateo 7:15

“Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa,datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila."

Ayon sa Panginoong Jesus, ang mga lobo ay yaong mga bulaang propeta na nakadamit tupa. Literal na damit ba ng tupa ang tinutukoy ng Panginoong Jesus?


Sino ang tupa na pag tutularan ng damit ng mga bulaang propeta? Juan 1:29

“Sa Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya,at sinabi Narito, ang Cordero ng Dios, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!." 

Ang salitang "Cordero" ay mula sa wikang Kastila na ang katumbas sa Pilipino ay tupa. Kaya, ang ibig sabihin ng "cordero ng Dios" ay tupa ng Diyos. Ang ating Panginoong Jesucristo ay tupa ng Diyos. Ang Kaniyang pananamit ang siyang tutularan ng mga bulaang propeta.


Sino ang tumulad sa damit ng Panginoong Jesus na siyang pagkakakilanlan sa mga lobo o mga bulaang propeta?

Sa isang aklat katoliko ay ganito ang kanilang pag amin

ANG PANANAMIT NG PARING NAGMIMISA.
 "Ang paring gayak sa pagmimisa ay nakakatulad ni Jesukristo noong umakyat sa bundok ng kalvario."
(Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral ng Katoliko, p.195)

Tahasang inaamin ng mga Paring Katoliko sa kanilang aklat na sila ang tumulad sa damit ng Panginoong Jesus. Samakatuwid sa kanila natupad ang hula ng Panginoong Jesus ng pagkakakilanlan ng mga bulaang propeta.


Ayon kay Apostol Pablo, Mangyayari ang pagpasok ng mga ganid na lobo pagalis niya o Pagkamatay ng mga Apostol. Natupad ba ito sa kasaysayan?

Sa isang aklat na may pamagat na Story of the Christian Church
sa page 41 ay ganito ang mababasa:

“Sa loob ng limampung taon pagkamatay ni Apostol Pablo ay isang lambong ang nakatabing sa buong Iglesia, na sa loob nito ay sinisikap nating may kabiguan ang makaaninaw, at sa wakas pagkahawi ng tabing na ito, 120 A.D., sa pamamagitan ng sulat ng tinatawag na mga unang ‘Ama ng Iglesia’ ay matatagpuan natin ang isang Iglesia na sa lahat ng bahagi ay ibang iba na sa Iglesia sa kapanahunan nina Apostol Pedro at Pablo.” (salin sa Pilipino)

Hindi pa nalalaunan ang pagkawala ng mga Apostol, ang Iglesia ay wala na sa dati nitong uri. Pinatutunayan ng kasaysayan na may limampung taon pa lamang ang nakalipas pagkamatay ng mga Apostol, ay ibang iba na ang Iglesia sa lahat ng bahagi. Ibig sabihin natupad ang sinabi ni Apostol Pablo tungkol sa mangyayari sa Iglesia pagkamatay niya.

Isang MATIBAY na KATUNAYAN na hindi na ang IGLESIA ni Cristo na itinatag ni Cristo noong Unang Siglo, ang Iglesiang pumalit pagkamatay ng mga apostol dahil hindi na nila sinusunod ang mga ARAL NI CRISTO AT NG MGA APOSTOL.


Sa isa pang aklat na pangkasaysayan na pinamagatang World’s Great Events, Vol II. Pp. 163-164, ay ganito ang mababasa:


“Noong una, ang kasaysayan ng Iglesia Romana ay katulad ng kasaysayan ng katotohanan ng Cristianismo. Datapuwat nakalulungkot na dumating ang panahon nang magsimulang dumaloy ang mga batis ng lason mula doon sa nang una’y dalisay na bukal.” (salin sa Pilipino)

Pinatutunayan ng kasaysayan ang pagdaloy sa Iglesia ng mga lasong aral na ikinamatay ng pananampalataya ng mga kaanib nito. Makagagawa tayo ng mahabang listahan kung iisa isahin natin ang mga maling aral na ipinasok ng mga bulaang propeta na hindi naman itinuro ng mga Apostol gaya ng pagluhod sa larawan o imahe, pagdarasal ng paulit ulit, pagkakaroon ng purgatoryo, pagsamba kay maria at marami pang iba. Ang pangyayaring ito ay naganap alinsunod sa panahong ibinabala ng mga Apostol – pagkamatay nila o pagkatapos ng panahon nila magaganap ang pagtalikod ng Iglesia ni Cristo noong unang siglo


At inaamin yan ng isang aklat katoliko, narito ang katibayan:

“We Catholics acknowledged readily, without any shame, nay with pride, THAT CATHOLICISM CANNOT BE IDENTIFIED SIMPLY AND WHOLLY WITH PRIMITIVE CHRISTIANITY, NOR EVEN WITH THE GOSPEL OF CHRIST, in the same way that the great oak cannot be identified with the tiny acorn.” [Karl Adam, The Spirit of Catholicism, page 2]

Kitang-kita sa ating binasa na napakalaki ng PAGKAKAIBA NG IGLESIA KATOLIKA SA UNANG CRISTIANISMO maging sa EVANGHELIO NI JESUS,


Ano pa ang mga aral na ipinasok ng mga bulaang propeta sa Iglesia na siyang dahilan ng pagtalikod ng Iglesia?

Ganito naman ang pahayag ni Apostol Pablo na mababasa sa I Tim. 4:1

 "Ngunit hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon,ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio."

Ayon sa ating binasa, ang gagamitin ng mga bulaang propeta upang maitalikod o mailigaw ang Iglesia ni Cristo noon ay ang mga aral ng demonio.

Ano ang ilan sa halimbawa ng mga aral ng mga demonio na kanilang ituturo? Ganito ang mababasa sa I Tim.4:1,3

"Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio.

 "Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan."
Alin-alin ang mga aral ng Demonio na ituturo ng mga bulaang propeta sa mga alagad upang sila ay mailigaw o matalikod sa pananampalataya?

Una, ipagbabawal ang pag-aasawa
Ikalawaipag-uutos na lumayo sa mga lamangkati o karne.

Kung gayon, ang relihiyong nagtataguyod ng mga aral na ito ang siyang relihiyong nagtalikod sa unang lingkod ng Dios kaya alamin natin;
Sino ang nagtataguyud ng mga aral na ito ng Demonio?

Sa isang aklat ng Iglesia Katolika na pinamagatang "Ang Pananampalataya ng ating mga Ninuno"
ay ganito ang sinasabi:

"Ang disiplina ng Iglesia(katolika)ay ipinatupad buhat pa sa pasimula,sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga Sacerdote(pari) na mag-asawa pagkatapos na sila'y maordena." (p.396)


Samakatuwid ang Iglesia Katolika ang nagtataguyod ng pagbabawal sa pag-aasawa na isa sa mga aral ng demonio. Ito ay ipinatutupad sa mga paring katoliko. Ang kanilang mga pari at mga madre ay pinagbawalang magsipag-asawa.

Saan pa natin makikita ang isa pang aral ng Demonyo na bawal kumain  ng lamangkati o karne?

Sa isa pang aklat na may pamagat na Siya Ang Inyong Pakinggan: Aral na Katoliko, P.139
Ganito ang sinasabi:

"Sa ikalawang utos ay ipinaguutos ng Santa Iglesia sa atin na magayuno at huwag kumain ng anomang lamangkati 
o karne sa mga araw ng ipinagbabawal niya." (P.139)

Malinaw na ang Katoliko din ang nagbabawal ng pagkain ng lamangkati o obstinensiya sa karne. Kaya malinaw na sila nga ang katuparan ng biblia na nagtalikod sa Iglesia ni Cristo noong unang siglo.


Ano pa ang malaking kasalanan sa Diyos ng mga paring Katoliko at ano ang kanilang ginawa?

Ipinagpauna ni Apostol Pablo ang pagsalangsang na gagawin ng mga bulaang propeta na magtatalikod sa Iglesia gaya ng mababasa sa II Tes.2:3-4


"Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating muna ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan.
 "Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios." (II Tes.2:3-4)
Ayon kay Apostol Pablo, ang taong makasalanan na mangunguna sa pagtaliwakas o pagtalikod sa pananampalataya ay magmamataas, sasalangsang, at magtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Diyos.
Paano gagawin ng mga bulaang Propeta ang pakikitulad o pakikipantay sa Diyos at Alin utos ng Diyos ang sasalangsangin ng mga paring katoliko sa layuning makitulad sa Diyos?

Sa Mat. 23:9 ay ganito ang nakasulat:

 "at huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit." (Mat. 23:9)
Ipinagbawal ng Panginoong Jesucristo na tawaging ama na tulad ng pagiging ama ng Diyos na nasa langit ang sinumang tao sa lupa. Lalong malaking kasalanan kung ang isang tao ay magpatawag ng ama na tulad ng pagiging Ama ng Diyos na nasa langit. Ito ang pakikitulad o pakikipantay sa Diyos.
Ano ba ang uri ng pagka-ama ng Diyos na siyang tinularan ng mga paring Katoliko?

Ganito ang mababasa sa Ezek.18:4

"Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama,gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin:ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay." (Ezek.18:4)

Samakatuwid, masamang tawaging Ama ng kaluluwa ang sinumang tao sa lupa. Subalit mayroon pa din lumabag sa utos na ito.
Sino nga ba ang nagpatawag na Ama ng kaluluwa?
Ganito ang nakasulat sa isang babasahing Katoliko:
Ang Iglesia ni Kristo at Iba't ibang SektangProtestante, p.26
"At ang Santo Papa(Ama)ay ang pinakamataas na ama ng ating kaluluwa dito sa lupa, dahil sa siya ang kahalili nang ating Panginoon. "At  dahil sa ang mga sacerdote ang nagbibigay sa atin ng buhay ng ating kaluluwa, sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga sacramento, sila man ay tinatawag na 'Ama ng kaluluwa'."
(Ang Iglesia ni Kristo at Iba't ibang SektangProtestante, p.26)

Ang mga papa at mga paring Katoliko ay nagpatatawag na mga ama ng kalu-luwa. Kaya nga ang tawag sa kanila ng mga taong Katoliko ay Padre(sa Kastila) o Father(sa Ingles), kapuwa katumbas ng salitang ama. Samakatuwid, sa pamamagitan ng pagpapatawag na mga ama ng kaluluwa ay nakikitulad o nakikipantay ang mga paring Katoliko sa Diyos. Ito ay isang malaking kalapastanganan sa tunay na Diyos.
Diyan na papasok ngayon ang CLAIM ng mga katoliko na si APOSTOL PEDRO daw diumano ang KAUNA-UNAHANG PAPA ng Iglesia Katolika pero ang malaking tanong ay ito: 

May mababasa ba sa Biblia na si PEDRO ay kinilalang PAPA ng mga UNANG CRISTIANO at naging ULO ng IGLESIA noong PANAHON NG MGA APOSTOL?

Mauugat ba sa panahon ng Bagong Tipan o panahon ng mga Apostol ang pagkakaroon ng PAPA?

Ating basahin ang pagtatapat ng isang OBISPO ng Iglesia Katolika:


"Now, having read the whole New Testament, I declare before God, with my hand raised to that great crucifix, that I HAVE FOUND NO TRACE OF THE PAPACY AS IT EXISTS AT THIS MOMENT." [Bishop Strossmayer's Speech (in the Vatican Council of 1870), p. 4]

Sa Filipino:

“Ngayon, pagkatapos na mabasa ng buo ang Bagong Tipan, Aking ipinahayag sa Diyos, na nakataas ang aking kamay sa dakilang krusipiho, na wala akong nakitang bakas ng KAPAPAHAN na ito’y umiral sa panahong ito.”


Sinabi ni Bishop Strossmayer, sa kaniyang talumpati sa harap ng maraming Obispo noong 1870 sa Vatican, na hindi siya nakakita ng bakas na nagkaroon ng KAPAPAHAN noong panahon ng Bagong Tipan. Samakatuwid walang PAPA noong panahon ng mga APOSTOL.


Dagdag pa niya:

"Finding no trace of the papacy in the days of the apostles I said to myself, I shall find what I am in search of in the annals of the church. Well, I say it frankly I HAVE SOUGHT FOR A POPE IN THE FIRST FOUR CENTURIES, AND I HAVE NOT FOUND HIM." [Bishop Strossmayer's Speech (in the Vatican Council of 1870), p. 10]

Sa Filipino:

“Dahil sa hindi ako nakakita ng bakas ng kapapahan sa mga araw ng mga apostol, sabi ko sa aking sarili, aking hahanapin sa aking paghahanap sa mga salaysay ng Simbahan.  Matapat kong sasabihin  NA AKO’Y NAGHANAP NG ISANG PAPA SA UNANG APAT NA SIGLO, PERO HINDI KO SIYA NATAGPUAN.”

So maliwanag kung gayon na ang IGLESIANG ITINATAG NI CRISTO AY HINDI PINAMUMUNUAN O PINANGUNGULUHAN NG ISANG “PAPA” dahil walang PAPA NA UMIIRAL BAGO ANG IKAAPAT NA SIGLO.

KAYA HINDI NAGING PAPA KAILAN MAN SI PEDRO, NI NAGING ULO MAN SIYA NG IGLESIA…


Paano makikilala ang mga naitalikod o nailigaw ng mga paring Katoliko?
Sa Apoc.13:14,16 ay ganito ang mababasa:

"At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya’y ipinagkaloob na magawa sa panigin ng hayop;..”
“At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinagbigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo."
Sa ating binasa ay binabanggit na nadadaya ang mga nananahan sa lupa at ang pagkakakilanlan ng mga nadadaya ay yaong mga taong pinagbigyan ng isang tanda sa kanang kamay at sa noo

Alin ang tanda sa Noo at Kanang Kamay na ibinigay ng mga pari sa kanilang mga tagasunod?

Ganito ang ating mababasa sa aklat katoliko na may pamagat na
Siya Ang Inyong Pakinggan:Ang Aral na Katoliko, p.11


"ANG TANDA NG SANTA KRUS
"Ang paraang ginagawa sa paggamit ng Santa Krus ay dalawa:ang magantanda at ang magkrus. Ang pagaantanda ay ang paggawa ng tatlong Krus nang hinlalaki ng kanyang kamay;ang una'y sa noo, ang ikalawa ay sa bibig,.. Ang tanda ng Santa Krus ay siyang tanda ng taong Katoliko,.." 


Ang tanda sa noo at kanang kamay na tinutukoy sa Biblia ay siyang tanda ng Santa Krus kung tawagin naman ng mga Katoliko.
Paano ang pag-aantanda ng Santa Krus? Ito ay sa pamamagitan ng kanang kamay na ang una ay ginagawa sa noo. Kaya tinatawag na tanda sa noo at kanang kamay.
Ano ang tanda sa noo at kanang kamay at Anong uring tanda ang tandang ito ayon na rin sa mga pari?

Sa isang pasyon ng katoliko, ang Pasion Candaba,p.210 ay may ganitong mababasa:

"Ipag uutos mag quintal sa noo o canang camay sucat pagca quilalanan na sila nga, i, campong tunay nitong Anti-Cristong hunghang." 

Dito ay sinabi ng pari na ang tanda ng Santa Krus na siyang tanda sa noo at kanang kamay ay tandang ikakikilala sa anti-Cristo o kalaban ni Cristo. Nangangahulugan lamang na ang mga taong Katoliko na binigyan ng tanda ng Santa Krus ay hindi na sa Diyos kundi kalaban na sila sapagkat sila ang mga nadaya ng mga pari o bulaang propeta.
Ano ang sasapitin ng mga taong may tanda sa Noo at Kanang Kamay, Ayon sa Biblia ?

Ganito ang mababasa sa Apoc. 14:9-11

9 "At ang ibang anghel, ang pangatlo ay sumusunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan,at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang
kamay,  10"Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero:
11 "At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan."


Kaya kawawa ang mga nadaya ng mga bulaang propetang ito dahil sila ay ibubulid sa apoy magpakailan man. Walang kapahingahang parusa ang naghihintay sa kanila. Akala ng marami ay nasa tunay na relihiyon pa sila samantalang ang katoliko ang naging dahilan kung bakit nawala ang unang Iglesia ni Cristo.


Bukod sa  iniligaw ng mga bulaang propeta ang mga kaanib noon sa unang Iglesia ni Cristo, ano pa ang ibinabala ng Panginoon Jesus sa tunay na mga alagad niya?

Yan ang ating tatalakayin sa susunod?
Itutuloy…

1 komento:

  1. Iron oxide in food and drink - The Titanium Institute
    Iron oxide, a compound of titanium build for kodi calcium, is one of the titanium sheet essential minerals in bones and muscles. Iron titanium quartz is the brain's titanium dioxide skincare chemical structure titanium hair

    TumugonBurahin