
Sa tuwing kaming mga
kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay makakausap ng kaanib ng ibang samahan ng
pananampalataya, ang madalas na napaguusapan ay nauukol sa likas na kalagayan
ng Panginoong Jesus. Sumasampalataya kasi kami na hindi Dios ang Panginoong
Jesus kundi tao s kaniyang likas na kalagayan. Ang isa sa mga talata na
ginagamit ng mga naniniwala sa pagka Dios ni Cristo ay ang nakasulat sa I Juan 5:20. Sapagkat ang nasabing talata daw ang matibay na nagpapatunay sa
pagka Dios ng Panginoong Jesus.
Mas mabuti kung
basahin muna natin ang nasabing talata.
“At nalalaman
natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo’y
binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at
tayo’y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito
ang tunay na Dios at ang buhay na walang hanggan.”
Paano nila
pinalilitaw sa talatang ito na Dios si Cristo?
Yung pangungasap
daw na “Ito ang tunay na Dios” ay tumutukoy daw kay Cristo. Komo kasi malapit
yung pangalan ni Cristo sa salitang “ito" ay agad silang nagbigay ng konklusyon na si
Cristo ang tinutukoy ng salitang iyon.
Kaya sa pagkakataong ito
ay muli natin patutunayan na mali ang kanilang pakahulugan sa nasabing talata.
Ngunit paano natin nasisigurado na mali ang kanilang sinasabi?
Una, hindi
binanggit sa talata na si Cristo ang tunay na Dios. Iyon ay konklusyon lang nila.
Pangalawa, kung mapapansin
ninyo ay mayroong tuldok sa gitna ng pangalan ni Cristo at ng salitang “Ito”.
Ibig sabihin hiwalay na pangungusap ang “Ito ang tunay na Dios”.
Pero kung ipipilit
parin nila na si Cristo nga talaga ang tinutukoy sa pangungusap na iyon? Pagbibigyan natin sila,
pero ano ang magiging implikasyon nito sa talata at ano ang magiging malaking
problema nila?
Basahin natin ulit ang
nasabing talata at sa pagkakataong ito ay lagyan natin kung kanino tumutukoy
ang bawat pangungusap ayon sa kanilang pagkakaintindi:
“At nalalaman natin na
naparito ang Anak(Si Cristo) ng Dios(si Cristo parin,
anak niya ang sarili niya), at tayo’y binigyan ng pagkaunawa, upang ating
makilala siya(Si Cristo parin) na totoo, at tayo’y nasa kaniya (Cristo
parin) na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang (Si Cristong
kumakaniya sa sarili niya) Anak na si Jesucristo (Jesucristo
ang pangalan ng anak ni Cristo). Ito (Si Cristo) ang tunay na Dios (Si
Cristo parin) at ang buhay na walang hanggan.”
Napakagulo di ba? Nahilo ba kayo? Kung ipipilit nila na si Cristo ang tunay
na Dios sa nasabing talata,
Una, lumilitaw na meron palang anak si
Cristo na naparito sa lupa dahil ang sabi sa talata, “NAPARITO ANG ANAK NG
DIOS”. Ibig sabihin yung Dios na binabanggit sa talata ay may anak Kaya
mapipilitan silang ipakilala sa atin ngayon kung sino ang anak ni Cristo.
Pangalawa lalabas na anak ni
Cristo ang sarili niya. Kaya talagang napakagulo at siguradong pati sila ay
malilito.
Pero alam kong maiipit
na naman sila sa talatang iyan kaya tatakbo na naman sila sa pinakapaborito nilang
talata, ang Juan 10:30 na napatunayan din nating mali ang pagkaunawa nila.
Narito ang katunayan: http://truth-will-save-you.blogspot.com/2013/10/ang-tamang-kahulugan-ng-john-1030.html?spref=fb
Kung gayon, ano ba
talaga ang totoong kahulugan ng nakasulat sa I Juan 5:20?
Ulitin natin ang
nasabing talata at lagyan natin kung kanino ba talaga tumutukoy.
“At nalalaman natin na
naparito ang Anak(Si Cristo) ng Dios(Ang Ama), at tayo’y binigyan
ng pagkaunawa, upang ating makilala siya(Ang Ama) na totoo, at tayo’y nasa kaniya (Kay Cristo) na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang (Ang Ama) Anak(Si Cristo) na si Jesucristo. Ito (yung ipapakilala ni Cristo) ang tunay na
Dios (Ang Ama) at ang buhay na walang hanggan(tatamuhin ng mga
kumilala sa tunay na Dios).”
Ang dahilan ng pagparito
ng Anak na si Jesucristo ay upang ipakilala niya ang tunay na Dios na walang
iba kundi ang Ama at ang kaalamang iyon ay ikapagtatamo ng buhay na walang
hanggan. Iyon ang totoong kahulugan ng nakasulat sa I Juan 5:20.
Pero siguradong aalma
sila dyan at sasabihin nila na sariling pakahulugan lang natin ang sinabi natin
sa I Juan 5:20. Kaya patunayan natin.
Ano ang katunayan na iyan nga ang tamang kahulugan ng I Juan 5:20?
Ang sumulat ng I Juan 5:20 ay si Apostol Juan kaya sa sulat din niya natin kukunin ang tamang sagot.
Totoo bang ang isa sa gawain ni Cristo ay ipakilala ang tunay na Dios?
Basahin natin sa sulat ni Apostol Juan sa Juan 1:18?
"Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang
bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya."
Ang isa sa dahilan ng pagparito ni Cristo ay upang ipakilala ang tunay na
Dios.
Nagawa ba ni Cristo ang kanyang tungkulin na ipakilala ang tunay na Dios?
Basahin natin ang sagot sa sulat din ni Apostol Juan sa Juan17:1,3
"Ang mga bagay na ito ay sinalita ni
Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi
niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay
luwalhatiin ng Anak:
At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na
iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.".
Si Cristo mismo ang nagsasalita sa talata at kausap niya ang Ama.
Ang sabi niya Ito ang buhay na walang hanggan na ”Ikaw“ ay mkilala nila na
iisang Dios na tunay. Hindi niya sinabing ”ako ang makilala nila na iisang Dios
na tunay.“ Ang pagpapakilala ni Cristo sa sarili niya ay ”sinugo“ hindi siya
ang tunay na Dios kundi ang ang Ama lang. Kaya malinaw na nagawa ni Cristo ang
isa sa dahilan ng kaniyang pagparito.Naipakilala niya ang tunay na Dios at ito
ay walang iba kundi ang Ama. Kung napansin ninyo ay halos magkamukha ang sulat
ni Apostol Juan sa kaniyang sulat sa I Juan 5:20 at Juan 17:1,3
Sapagkat ipinakita lang sa sulat ni Apostol Juan kung paano
natupad ni Cristo ang isa sa kaniyang misyon. Ang ipakilala ang tunay na Dios
at ang buhay na walang hanggan. Kaya kayo ang magpasya, sino ang dapat ninyong
paniwalaan? Si Apostol Juan mismo na sumulat ng I Juan 5:20 o yung mga taong
nagbibigay ng maling kahulugan sa sinulat niya?
Kaya kapag binasa natin sa ibang salin ng Biblia halimbawa ay sa
Contemporary English Version ang I Juan 5:20 ay ganito ang pagkakasalin:
"We know that Jesus
Christ the Son of God has come and has shown us the true God. And because of Jesus,
we now belong to the true God who gives eternal life.
Sa tagalog: Nalalaman natin na Si
Jesucristo na anak ng Dios ay naparito at ipinakita sa atin ang tunay na Dios.
At dahil kay Jesus, tayo ngayon ay nasa tunay na Dios na nagbibigay ng buhay na
walang hanggan.
Samakatuwid napatunayan natin na hindi si Cristo ang “tunay
na Dios na tinutukoy sa talata kundi ang tunay na Dios na kaniyang ipinakilala,
walang iba kundi ang Ama.
Kaya kung babalikan natin ang I Juan 5:20 ay malinaw na sa atin
kung sino ang ”tunay na Dios“ na tinutukoy sa nasabing talata.
“At nalalaman natin na naparito ang Anak(Si Cristo) ng Dios(Ang Ama), at tayo’y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya(Ang Ama) na totoo, at tayo’y nasa kaniya (Kay Cristo) na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang (Ang Ama) Anak(Si Cristo) na si Jesucristo. Ito (yung ipapakilala ni Cristo) ang tunay na Dios (Ang Ama) at ang buhay na walang hanggan(tatamuhin ng mga kumilala sa tunay na Dios)."
Hanggang sa susunod...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento